DAGUPAN CITY- Lahat ng tao ay may nakatakdang tamang oras at pagkakataon para sa sariling tagumpay.
Ito ang patuloy pinaniwalaan at nagsilbing inspirasyon para mapagtagumpayan ang 2024 Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Examination.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, ibinahagi niya na hindi siya agad nakapag-take ng exam matapos ang kaniyang graduation noong 2023 dahil sa pinansyal at hindi pa buong handa ang kaniyang emosyon at mentalidad.
Aniya, tiniyak na niya munang maipasa ang DOST Engineering Research, Developement and Technology Scholarship para sa kaniyang masters degree.
Bagaman hindi madali pagsabay-sabayin ito at sa kaniyang paghahanda sa licesure exam, naging malaking tulong para sa kaniya ang mga kakilalang passers upang makamit din ang kaniyang tagumpay.
Masaya man siya sa naunang nakapasa, hindi rin niya maitangging nakaramdam din siya ng pressure subalit, patuloy naniwala si Engr. Ingaran at nagsilbi itong inspirasyon para sa kaniya.
Hindi naman maitago ni Engr. Ingaran ang ligaya nang mapag-alaman nilang kabilang siya sa mga nakapasa. Saad pa niya, mas higit niya pang ikinagalak ang pagkapasa ng kaniyang mga kaibigan.
Samantala, ibinahagi niya na ang susunod niyang hakbang ay ang pagtuonan ang kaniyang masteral degree, at kasunod nito ang paghahanap ng trabaho upang makakuha ng experience.
At kapag nakalikom na ng sapat na karanasan ay kaniyang susunod na kukunin ay ang kaniyang post-doctoral degree.