DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Ika nga nila, lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang style sa pananamit, at may kaniya-kaniyang trip sa buhay.
Ngunit, ibahin natin itong isang designer mula sa Nigeria, dahil gumawa lang naman kasi siya ng isang higanteng sandals na hindi na masuot ng tao.
Slay nga itong isang British-Nigerian fashion designer, dahil siya lang naman ang nagtakda ng isang bagong layunin upang makuha ang Guinness World Record sa paggawa ng pinakamalaking sandals na abot sa 10 talampakan at 4.2 pulgadang lapad at 26 talampakan at 8.8 pulgadang haba.
Inabot ng 72 oras ang designer na si Liz Sanya upang tapusin ang dambuhalang sandalyang ito, na may istilong clog, sa Pixel Park sa Lekki, Lagos, noong Enero 4.
Ngayon, ang kanyang ginawa ay opisyal nang isinumite sa Guinness World Records bilang pinakamalaking sandal sa buong mundo!
Ang rekord na ito ay kasalukuyang hawak ng isang grupo ng mga artisan mula sa Municipio De Sahauyo, Mexico, na gumawa ng isang tradisyunal na sandal na may sukat na 10 talampakan at 1.65 pulgada ang lapad at 24 talampakan at 5.31 pulgada ang haba.