DAGUPAN CITY- Tila nasa ulap ang abot ng saya ni Erwin Jay Castaneda Saura Jr. matapos mapabilang sa mga Certified Public Accountant (CPA) Examination Passer.
sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, hindi niya rin maitago ang kaba nang muling subukin ang pagsusulit dahil na rin sa hindi niya nagawang maipasa ang unang pagsubok.
Sa totoo lamang aniya, ay napanghihinaan na siy ng loob upang muling sumubok subalit dahil sa suporta at encouragement na nakukuha niya mula sa kaniyang boss sa trabaho, nagkaroon muli siya ng lakas ng loob upang lumaban muli.
Pagdating sa araw ng pagsusulit, tila mas dumali na ito para sa kaniya at naramdaman niyang maipapasa na niya ito sa pagkakataong ito.
At kaniyang nalaman na ang naging resulta matapos siyang tawagan ng kaniyang ina na nasa ibang bansa.
Ibinahagi naman ni Saura na sa ngayon ay hindi pa tiyak kung saan lugar siya magtatrabaho ngayon CPA na siya subalit bukas naman siya sa anumang magbubukas na oportunidad.
Samantala, sinabi niya rin na tila dinala siya ng Diyos sa kursong accountancy dahil hindi ito ang kaniyang unang gustong kuhanin sa kolehiya, kundi ang engineering, subalit nang mag-enroll na ay kaniyang napagdesisyunang tahakin ang landas ng pagiging accountant.