BOMBO DAGUPAN – Nagwakas ang higit anim na taong relasyon ng magkasintahan matapos magsampa ng reklamo ang babae laban sa kanyang boyfriend.

Nag-ugat ang hidwaan ng New Zealnder couple dahil hindi raw tinupad ng lalaki ang pangako niya sa babae na ihatid siya sa airport.

Bunsod nito, naiwan ang babae ng kanyang flight sa pupuntahang concert kasama ang mga kaibigan.

--Ads--

Inakusahan ng babae ang lalaki ng paglabag sa kanilang “verbal contract.”

Tumango raw ang lalaki na bukod sa ihahatid ang girlfriend sa airport, babantayan din ang bahay at ang dalawang aso ng babae habang wala siya.

Sa Disputes Tribunal ng New Zealand mababasa ang kaso bilang legal document.

Less formal ito kesa sa korte at tinatalakay rito ang mababang uri ng reklamo para mas mabilis maresolba.

Sa reklamo ng babae, isang araw bago ang flight, inabisuhan ni CL ang boyfriend na sunduin siya at ihatid sa airport sa pagitan ng 10:00 A.M. – 10:15 A.M pero hindi siya sinundo ng lalaki.

Dahil na-miss ng babae ang kanyang flight, kinailangan niyang magdagdag ng bayad para sa flight kinabukasan.

Binanggit din ng babae na noong magbakasyon sila noong December 2023 para bisitahin ang kanyang dalawang anak, siya ang nagbayad ng pamasahe ng boyfriend sa ferry.

Kaya naman pinababayaran sa lalaki ang kanyang mga gastos kabilang ang pamasahe.

Sa huli, ibinasura ng tribunal ang kaso dahil ayon dito, para magkaroon ng pananagutan, kailangan na nagpapakita ng isang intensyon na sila ay matali sa kanilang mga pangako.