Mga Ka-bombo! Ano ba ang kahulugan ba sa iyo ng salitang emergency? 

Itinuturing mo rin bang emergency ang pagkaipit ng iyong nose accessory sa isang upuan at tumawag ng  bumbero?

Oo kasi ang sagot ng isang babae mula sa Indonesia matapos tumawag ng bumbero nang maipit ang kaniyang nose ring sa isang upuan. 

--Ads--

Naging matagumpay naman ang isinagawang pagtanggal at muli siyang nakahinga ng maayos matapos siyang mailigtas. 

Ayon sa mga ulat, naganap ang insidente habang nagtatrabaho ang babae sa kanyang opisina. 

Hindi sinasadya nang biglang maipit ang kaniyang septum ring sa likod ng upuan, dahilan upang hindi siya makagalaw ng maayos.

Sa kabila ng mga pagtatangkang alisin ito ng kanyang mga katrabaho, hindi sila nagtagumpay, kaya’t napilitan silang humingi ng tulong mula sa mga bumbero.

Ayon sa mga rescuer, hindi ito ang pinaka-kakaibang tawag na kanilang natanggap, ngunit tiyak ay naging isa itong hindi malilimutang karanasan para sa lahat ng naroroon.