Mga kabombo, Physically fit ka ba? o isa ka bang gym rat? Kaya mo bang mahigitan ang record na naitala ng isang Australian fitness enthusiast?
Nagawang makamit ni Olivia Vinson, 34 taon gulang, ang record na may pinakamaraming nagawang pull-ups sa loob ng 24 oras.
Halos doblehin pa niya ang naunang record na may 4,081 pull-ups.
Sa mata ni Vinson, imposible niyang mahigitan ito subalit, hindi pa rin siya umatras sa challenge ng kaniyang asawa at coach.
Nagawa ni Vinson na makagawa ng 7,079 pull-ups sa loob ng nasabing oras, higit pa sa sapat para maiuwi ang titulo.
Tatlong buwan nag-ensayo si Vinson bago ang kaniyang unang pagtatangka na nauwi sa pagkabigo dahil sa isang injury.
Dahil dito ay napilitan siyang magpahinga ng 2 buwan bago muling makapag-ensayo.
Sa ikalawang pagtatangka, nagawa na niya itong mapagtagumpayan.