BOMBO DAGUPAN- Nakapagtala na ng kauna-unahang gold medal ang panig ng Ilocos Region sa Palarong Pambansa 2024.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cesar Bucsit, Palarong Pambansa Chairman- Media and Documentation Committee Region 1, malalakas man ang nakaharap ni Ariana Dawn Rabi sa Discuss Throw-Elementary Girls ngunit hindi ito nagpatinag upang maiwui ang gold medal.
Kabilang ang gold medal ni Rabi upang pagbasehan ang magiging ranking ng mga nakilahok sa Palarong Pambansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Buscit na ang may pinakamaraming maipapanalong gold medal ang hihiranging kampyon na Rehiyon.
Nakita naman nila Bucsit ang determinasyon ng mga atleta ng Rehiyon 1 kaya umaasa silang mapapabilang ang mga ito sa Top 7.
Samantala, sinigurado naman ni Bucsit ang kalagayan at kalusugan ng mga atleta ng Rehiyon 1.
Pasado aat lumabas na ‘physically fit’ ang mga ito batay sa pagsailalim nila sa screening and accreditation. Sinusubaybayan din ng medical team ang bawat manlalaro upang matiyak ang kanilang kalusugan, gayundin, sa tamang pagkain.
Sa ibinigay na budget ng Department of Education-Region 1 at counterpart ng Central Office, wala nang alalahanin pang gastusin ang mga atleta sa kanilang pananatili sa Cebu City.
Sa kabilang dako, maliban sa Ilocos Region, mayroon na din tig-isang Gold medal ang Region VI-Western Visayas, Region III-Central Luzon, Region VII-Central Visayas, at Region V-Bicol Region.