Pinatunayan ng isang aso sa Gujarat, India na higit pa siya sa man’s bestfriend dahil hindi ito nagdalawang isip na ipagtanggol ang kaniyang amo mula sa tatlong suspek na pumasok sa kanilang farm house.

Dali-daling lumapit si Amit Theba, ang biktima, sa kaniyang german shepherd na aso na si “Johnny” nang kaniyang mapansin ang mga suspek na pinapasok ang kanilang lupain.

Nang mapansin ng dalawang suspek ang aso ni Theba, napahinto ang mga ito sa kanilang kinatatayuan. Subalit, umamba pa rin ang isang suspek na susugurin si Theba habang may dalawang pamalo.

--Ads--

Gayunpaman, bago pa makalapit ang suspek, napakawalan na ni Theba si Johnny at dire-diretso itong tumakbo sa mga suspek na umaatubiling lumabas sa gate upang takasan ang aso.

Ginamit naman ni Theba ito bilang pagkakataon upang ilabas ang kaniyang kasamahan sa kanilang bahay at dali-dali rin tumungo sa pulisya upang humingi ng tulong.

Batay naman sa pulisya, alas-2 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang farm house ni Theba.

Nakikitang anggulo ng mga kapulisan ay may personal na galit ang motibo ng mga suspek pagdating kay Theba.