DAGUPAN CITY- Isinagawa sa Barangay Manaol sa bayan ng Pozorrubio ang Provincial Rice Technology Forum.

Dinaluhan ito ng ilang mga magsasaka mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan. Pormal na binati at tinanggap ang mga bisita kung saan sinabi nito ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga magsasaka at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bayan.

Ang programa ay isang pakikipagtulungan ng Department of Agriculture, Provincial Agriculture Office, at Municipal Agriculture Office sa bayan kasama rin ang iba pang mga opisyal ng munisipyo.

--Ads--

Layunin ng forum na ipakita sa mga magsasaka ang iba’t ibang uri ng hybrid rice at kung alin ang angkop sa klima at uri ng lupa sa probinsya.

Nagtagisan ang iba’t ibang seed and nutrient companies sa pagpapakita ng kanilang mga produkto.

Bahagi ang nasabing forum sa prayoridad na programa ni Governor Ramon “Mon-Mon” Guico III na nakatuon sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Pangasinan.

Patuloy umanong magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga ganitong programa para sa kapakanan ng mga magsasaka.