Mga Ka-bombo! Mahilig ka ba sa isda para gawing pets?
Talaga namang naka-aaliw ang mga little creatures na ito dahil sa taglay nila cuteness.
Hanggang saan kaya ang kaya mong gawin upang mapasaya ang alaga mong pets?
Extra ordinary kasi ang ginawa ng mga staff sa isang aquarium sa Japan dahil gumamit sila ng cutout ng tao para aliwin ang malungkot na sunfish.
Dahil sa pagsasara ng Kaikyokan Aquarium sa Shimonoseki Japan para sa renovation, napansin ng mga staff na nahirapan ang kanilang sunfish sa biglang pagbabago.
Tumigil ito sa pagkain ng jellyfish at nagsimulang mag-ikot sa paligid ng kanyang tank.
Sa una, inisip ng mga staff na may problema sa kalusugan ang isda, ngunit napag-isipan nilang baka nagiging malungkot ito dahil wala ng mga bisita.
Bilang solusyon, naglagay sila ng mga cardboard cutout ng mga tao at mga staff uniforms sa paligid ng aquarium upang magmukhang may mga dumadalaw.
Agad na bumuti ang kalagayan ng sunfish, at nagsimula itong mag-swim at mag-wave ng mga fin, na nagpapakita ng pagpapagaling.
Hindi ito ang unang pagkakataon na gumamit ng kakaibang solusyon ang isang Japanese aquarium.