Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kung ang matagal mo ng aplikasyon sa isang trabaho ay bioglang nagparamdam sa iyo?

Tila ba ghosting kasi ang nangyari sa isang aplikante na kinilalang si Tizi Hodson ng Gedney Hill, England.

Ayon sa ulat, taong 1976 pa kasi ito nagpadala ng application letter sa isang kumpanya para sana maging motorcycle stunt rider.
Ngunit, ilang dekada na ang nakalilipas, ay wala itong natanggap na anumang reply.

--Ads--

Hanggang sa nito lamang oktubre ngayong taon 2024, natanggap nito ang sulat mula sa post office kung saan niya inihulog ang kanyang application letter.

May kalakip na note ang sulat na nagsasabing iyon ang kanyang application letter—at ibinabalik sa kanya.

Nakasaad dito na hindi umano nai-deliver ang kanyang application letter sa kumpanyang gusto niyang pasukan dahil na-stuck iyon sa isang drawer ng post office sa loob ng maraming taon.

Sa kabila naman ng pangyayari, ibinahagi nito na naipagpatuloy pa rin niya ang career bilang motorcycle stunt rider. At dahil sa trabaho niyang ito, nakarating siya sa iba’t ibang bansa.

Ayon naman kay Tizi, hindi nito alam kung sino ang nagbalik ng kanyang sulat dahil hindi niya napansin kung sino ang naglagay sa kanyang mailbox at nagtataka rin siya kung paano siya nahanap ng nag-deliver.