Mga kabombo! Naranasan mo na bang magpabunot ng ngipin?

Ngunit paano kung ang pagpapabunot pala ang siyang dahilan nang ikasasawi ng isabng ama?
Ito kasi nangyari sa China.

Ayon sa ulat, pormal na naghain ng reklamo ang kinilalang anak na si Shu laban sa isang dental clinic.
Lumalabas kasi na ang naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ama ay dahil sa pagpapabunot ng ngipin.

--Ads--

Kung saan ay naglabas ito ng mga ebidensiya na nagpapatunay na ang kanyang ama ay binubunutan ng 23 ngipin, at nilagyan din ng 12 bagong ngipin sa isang session noong agosto ngayong taon (2024).

Ayon kay Shu, mismong ang dental procedure ang naging dahilan kaya nasawi ang kanyang ama makalipas ang 13 days.

Base sa salaysay nito sa mga awtoridad, matapos umano ang mga session sa clinic ay araw-araw nang nakaranas ng matinding pananakit ng bibig ang kanyang ama bago ito inatake sa puso noong August 28—ang araw na binawian siya ng buhay.

Minsanan kasing binunot ang 23 ngipin sa isang session, at nilagyan din ito ng 12 butas sa skull at mandible para malagyan ng mga bagong ngipin.

Kaya pagkatapos ng dental procedure, nakaramdam si Huang ng matinding sakit lalo na nung mawala na ang bisa ng itinurok na anesthesia, kung kaya’t malinaw na lumabag ito sa usual procedure ng dental clinic para sa pagbubunot ng ngipin.