DAGUPAN CITY- Lumang alitan umano ang naging sanhi ng pagtamo ng mga saksak ng isang 33 taon gulang na babae sa bayan ng Calasiao matapos itong saksakin ng kaniyang sariling ama.

Ayon kay PLt. Noel Domalanta, Invest/Intel PCO ng Calasiao PNP, kinilala ang biktima na si Ma. Clara Pasaoa, habang ang suspek ay si Cristobal Pasaoa, 66 anyos, at parehong residente ng Brgy. Nalsian, sa naturang bayan.

Sa paunang imbestigasyon, Hunyo 30, ng umaga, nang nasa sariling kwarto ang biktima habang kinukuha nito ang kaniyang mga damit. Pinasok ito ng suspek kung saan bigla nitong sinaksak sa ulo ang kaniyang sariling anak gamit ang butcher’s knife. Sinubukan tumakas ng biktima ngunit hinabol ito ng suspek at nasaksak naman ito sa kaniyang kaliwang braso. Nagawa naman ng biktima na makalabas sa kanilang bahay at makahingi ng tulong sa mga kalapit bahay.

--Ads--

Nagtamo ng sugat mula sa pananaksak ang biktima sa kaniyang ulo at braso at dali-dali naman itong dinala sa Medical Center sa lungsod ng Dagupan.

Napag-alaman na dating alitan o hindi pagkakaunawaan ang posibleng motibo ng suspek upang saksakin nito ang kaniyang sariling anak.

Arestado naman ang suspek at natagpuan sa pinangyarihan ang 14 inches buthcer’s knife at 10.5 inches kitchen knife na ginamit nito sa krimen. Nahaharap naman ito sa kasong Frustrated Parricide.