DAGUPAN CITY – Nagbabala ang Iran na gaganti ito sakaling atakihin ng Estados Unidos.

Ayon sag tagapagsalita ng parlamento ng Iran, sakaling umatake ang US, ituturing na lehitimong target ang Israel pati na ang lahat ng base militar at pasilidad ng US, kabilang ang mga barkong pandigma, sa rehiyon.

Humigit-kumulang 180 body bag ang nakita sa kuha ng video malapit sa Tehran.

--Ads--

Ayon sa Human Rights Activist News Agency (HRANA) na nakabase sa Estados Unidos, napatunayan na nila ang pagkamatay ng 495 na nagpoprotesta at 48 tauhan ng seguridad sa buong bansa.

Dagdag pa ng ahensya, may karagdagang 10,600 katao ang naaresto sa loob ng dalawang linggong kaguluhan.

Una rito ay nagbanta ang Estados Unidos na aatakehin ang Iran dahil sa pagpatay sa mga nagpoprotesta

Hindi ipinaliwanag ni Trump kung ano ang eksaktong pinag-iisipan ng Estados Unidos.

Patuloy naman na binabantayan ng international community ang tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, habang nananatiling hindi tiyak kung hanggang saan aabot ang hidwaan sa gitna ng lumalalang krisis sa loob ng Iran.