BOMBO DAGUPAN – Naganap ang isang nakakatuwang insidente nang mag-meet ang international pop star na si Rihanna at ang English professional footballer na si Jack Grealish, star player ng Manchester City, sa New York City.

Nasa New York si Rihanna para manood ng pre-season friendly match sa pagitan ng Manchester City at AC Milan.

Nakasuot ang international pop star ng sports cap at oversized T-shirt mula sa kanyang Fenty line.

--Ads--

Sa isang video, makikita si Rihanna na nagpapakuha ng picture kasama si Grealish at ang mga AC Milan players na sina Christian Pulisic at Yunus Musah.

Saglit pa, isang batang lalaki na obviously ay fan ni Grealish ang lumapit sa grupo.

Casual na iniabot ng batang lalaki kay Rihanna ang kanyang smartphone, at nagsabing kunan siya ng picture kasama ang football player.

Walang idea ang batang lalaki na ang hinilingan niya na kumuha ng picture ay bilyonaryang international pop star.

Humanap pa ng magandang puwesto ang international pop star para makunan ng magandang anggulo ang batang lalaki at ang idol nitong football star at iba pang players.

Ikinatuwa ng netizens ang naging gesture ni Rihanna.