Tumangging magbigay ng komento ang International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor kaugnay sa umano’y report ng pag-isyu nito ng arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang mensahe, sinabi ng ICC office of the Prosecutor na hindi ito magkokomento sa nagpapatuloy na mga imbestigasyon at no comment din sa mga report.

Ginawa nito ang pahayag sa gitna ng mga report na inisyuhan umano ng warrant ang dating Pangulo sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y crimes against humanity sa madugong war on drugs sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

--Ads--

Subalit sa panig ni dating Pangulong Duterte na kasalukuyang nasa HongKong, nanindigan siyang ang kaniyang mga ginawa bilang Pangulo ay para magkaroon ng katahimikan at kaayusan sa bansa.

Siniguro naman ng Malacañang ang kahandaan nito para sa anumang kaganapan sa gitna ng posibleng pag-isyu ng arrest warrant sa dating Pangulo.