Dagupan City – Inaasahang madaragdagan pa ang installation ng dash cam sa mga mobile car patrols sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pcol. Rolyyfer Capoquian, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, malaking tulong kasi ang pagkakabit ng mga dashcam sa paglutas ng mga kaso sa kakalsadahan.

Kung hindi kasi aniya makita ang actual footage o ang aktwal na pangyayari sa isang aksidente, malaki ang posibilidad na akuin ng dalawang partido na hindi sila ang may sala.

--Ads--