Ikinatuwa ng tanggapan ng Department of Health o DOH Region 1 na sa ngayon ay wala pang naitatalang LGU’s na nagiging pending o nauudlot ang kanilang vaccination activity.

Sa katunayan ayon kay DOH Medical Officer 4 Dr. Rhuel Bobis, dumating na ang karagdagang 54, 400 doses ng Sinovac Vaccine na siyang ibibigay sa mga A1-A3 population sa mga Provincial Health Office.

Batay sa kanilang latest monitoring, umabot na sa kabuuang bilang na 225, 291 kung saan sa A1 category ang 1st dose ay nasa 78,211 at 46, 384 para naman sa 2nd dose.

--Ads--

Kung pag uusapan naman sa kategorya ng mga senior citizen, ang nakakuha ng 1st dose ay nasa 72,302 at ang fully vaccinated ay nasa 8,083. Pagdating naman sa mga persons with comorbidities, ang nakakuha ng 1st dose ay nasa 20, 225.

DOH Medical Officer 4 Dr. Rhuel Bobis

Giit ni Bobis, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagbabakuna gayundin ang patuloy nilang pakikipag koordina sa Central Office upang hindi maputol ang supply ng vaccine at ma pending ang vaccination roll out ng bawat Local Government Unit o LGU’s.

DOH Medical Officer 4 Dr. Rhuel Bobis