BOMBO DAGUPANNaglunsad umano ang Russia ng satellite kamakailan lamang kung saan pinapaniwalaan umano ng Estados unidos na may kakayahan ito na atakihin ang mga probe.

Sinabi ni Pentagon Spokesman Brig Gen Pat Ryder, inilunsad ito sa mababang orbit ng Earth na maaari umanong counter space weapon.

Nasa parehong orbit din ito sa satellite ng US Government kaya patuloy itong babantayan ng Washington at magiging handang protektahan ang ma interes nito.

--Ads--

Samantala, wala pang komento ang Russia kaugnay rito.