Dagupan City – Inaasahan ng Lokal na pamahalaan ng Calasiao na magiging daan ang inilagay na traffic lights sa bayan sa mas maayos na daloy ng trapiko.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Calasiao Mayor-Elect Patrick Caramat, isa kasi ito aniya sa pangunahing suliranin ng bayan lao na’t major intersection ito na siyang nagiging daanan ng mga nagmumula sa east patungong west o vice versa.

Nilinaw rin nito na hindi agad-agad mawawala ang trapiko matapos ikabit nag traffic lights, dahil kinakailangan pa itong pag-aaralan ng mga traffic engineers at ang pagpapakalat ng mga Public Order and Safety Office o POSO Officers na well-equiped sa mga seminars.

--Ads--

Samantala, umaasa naman si Roy Garciano, Presidente ng Motor Center Toda-Calasiao na kapag tumagal na rin ang ginagawang hakbangin gaya ng paglalagay ng traffic light sa bayan ay maibsan na rin ang sikip ng trapiko.

Dito na niya binigyang diin na mas maganda ang ginawang hakbang ng Provincial Government na paglalagay ng traffic lights sa bayan.