Dagupan City – Hindi labag sa Saligang Batas ang inihaing motion for reconsideration ng kamara sa Korte Suprema sa pagbasura ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst. Aniya, ang Immediately executory na desisyon ng kasi ng Korte Suprema, ay hindi nangangahulugang ipinagkakait sa Kamara ang karapatang maghain ng motion for reconsideration.

Nangangahulugan na maaari munang maantala ang implementasyon ng desisyon habang nakabinbin ang motion.

--Ads--

Matatandaang tatlong impeachment complaint ang inihain laban sa bise, subalit sa halip na agad itong iendorso sa Committee on Justice gaya ng nakasaad sa Konstitusyon — na dapat gawin sa loob ng tatlong araw — ay hindi ito inaksyunan ng liderato ng Kamara.

Sa desisyon ng Korte Suprema, sinabi nitong ang hindi pag-aksyon sa loob ng itinakdang panahon ay nagreresulta sa awtomatikong dismissal ng mga reklamo.

Dagdag pa ni Yusingco, may dalawang paraan para matrigger ang one-year ban sa muling paghahain ng impeachment complaint — isa na rito ang pagkakabasura ng reklamo dulot ng procedural lapse.

Dito na niya binigyang diin na malinaw ang reasoning ng Korte Suprema sa kaso ng impeachment laban kay VP Sara, at sa ngayon ay malayo pa ang mga alegasyon na ang mga mahistrado ay naimpluwensyahan ng kung sinumang nag-appoint sa kanila