Mga kabombo! Mahilig ba kayo sa makeup?
Pero hindi inaapply, kundi-kinakain?
Nako! Baka ito na ang sign na itigil mo na iyang maling paggamit mo ng makeup.
Ito kasi ang nakikitang dahilan kung bakit nasawi ang isang kilalang Taiwanese beauty influencer na si Guava Shuishui, o mas kilala bilang “Guava Beauty,” 24-anyos.
Ayon sa ulat, nagviral kasi ang kilalang influencer matapos na gumawa ito ng mga kakaibang content.
Ito’y nang i-review nito ang isang cosmetic products at saka may eksenang tila kinakain o nilalasahan niya ang mga ito bilang bahagi ng kanyang “make-up mukbang” videos.
Hanggag sa kumalat ang balitang biglaang pagkamatay nito, nagdulot naman ito ng samu’t saring haka-haka at espekulasyon sa social media.
May ilang netizen na nagpahayag ng pangamba at agam-agam na baka ang kanyang pagkamatay ay may kinalaman sa pagkalason, ngunit mariin itong pinabulaanan ng kanyang mga kaibigan at pamilya.
Ayon sa mga malalapit kay Guava Beauty, nilinaw ng mga doktor na walang kaugnayan ang pagkamatay nito sa nasabing content.
Dahil dito, iginiit ng mga malalapit kay Guava Beauty ang kahalagahan ng online responsibility. Anila, ang mga maling balita at mapanirang komento ay nagdulot ng matinding stress at pighati sa pamilya ng influencer.