DAGUPAN, City- Kinakailangan ng maayos at konkretong solusyon ang pamahalaan upang matugunan ng pangmatagalan ang inflation rate sa bansa.

Ito ang sangguni ng Sony Africa, Director ng IBON Foundation sa kabila ng pagbagal sa 8.6% noong February 2023 mula sa 8.7% noong January ng kaparehong taon ang inflation rate ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Ayon kay Africa, pagkatapos ang 1 taon ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay hindi pa rin naman statistically significant ito lalo na at paiba-iba naman umano ang presyo ng gasolina sa kada palit ng linggo.

--Ads--

Aniya, ang datos na ito ay hindi naman nangangahulugan na bumagal na ang inflation rate.

Kahit pa umano sabihin na bumaba pa ang inflation rate sa mga pagkain kung hindi pa rin pantay na matutugunan ang core inflation lalo na ang usapin sa upa sa bahay, transportasyon, at iba pang mga pangangailangan ng bawat pamilya o indibidwal.

Dagdag pa rito, kinakailangan din umano na magkaroon ng ayuda ang pamahalaan at gayundin ang pagtugon sa hinaing ng mga magsasaka para maiwasan na ang kakulangan ng pagkain at mataas na presyo nito.