BOMBO DAGUPAN- Paniguradong takot ang naramdaman ng mga magulang ng 9 anyos na batang lalaki sa Brooklyn, New York matapos umano itong hindi pumasok sa paaralan nang hindi nila nalalaman.

Ayon sa pagsasalysay ng kaniyang magulang, alas 7 ng umaga nang umalis ito sa kanilang apartment upang pumasok sa paaralan.

Matapos nila itong mapag-alaman, dali-dali din humingi ng tulong ang kaniyang magulang sa kapulisan upang hanapin ang kanilang anak.

--Ads--

Upang madali ang paghahanap, kabilang sa kanilang pagsasalarawan ay nakasuot ito ng orange tie.

Subalit, ang inaakalang nawawalang bata ay nasa itaas lamang pala ng gusali ng kanilang apartment.

Natagpuan ng mga TV new helicopter ang naturang bata sa kanilang paglilibot sa lugar.

Ayon sa piloto ng naturang news station, napansin nila ang isang bata sa rooftop ng gusali at nakaupo ito sa isang upuan. Gamit ang camera, zinoom in nila ito at napagtantong kamukha ng nakita nilang bata ang di umanong nawawalang bata.

Agad din nila itong pinag alam sa mga otoridad at kinumpiramang siya nga ang kanilang hinahanap.

Agad din naman sumama ang bata sa kapulisan matapos nitong iligpit ang kaniyang computer at libro sa kaniyang bag.