DAGUPAN CITY- Labis ang paghihinagpis ng ina ng Pinay na nasawi sa lindol sa Myanmar, matapos matagpuan ang labi ng kaniyang anak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ermosila Adalid, ina ng Pinay na nasawi sa malakas na lindol sa Myanmar, natagpuan na ang katawan ng kanyang anak at asawa nito, ngunit kapwa naideklarang patay matapos ang DNA testing na nagpatunay ng kanilang pagkakakilanlan.

Aniya, nakita ang katawan ng kanyang anak na tila magkayakap kasama ng kaniyang asawan sa gumuhong bahagi ng gusali, at dahil sa matinding pinsala, nadeform na rin ang mga labi.

--Ads--

Matatandaang humingi pa sila ng dasal sa Cebu noong Mayo 1 bago tuluyang nakumpirma ang pagkamatay sa pamamagitan ng positibong DNA result kinabukasan.

Maselan aniya ang ginawang proseso dahil kailangang tiyakin ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa ng mga awtoridad ang kanilang mga labi habang inaayos pa ang mga dokumentong kailangan para sa pag-uwi nito sa Pilipinas.

Isinagawa na rin ang isang online memorial service para sa mga nasawi.

Sa ngayon ay wala pang tiyak na petsa kung kailan maiuuwi sa bansa ang kanilang cremated remains.