DAGUPAN CITY- Hindi pa tiyak kung mapapaaga o mas mapapatagal pa ang progreso sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang Political Analyst, sa kasalukuyan ay magandang progreso ang muling pagreview ng korte suprema sa petisyon hinggil sa pagpapaaga ng impeachment trial.

Aniya, kung ito ay madinig, ang jurisprudence ng korte ang magiging batayan sa magiging ‘ruling’ sa petsiyon.

--Ads--

Kung sa senado lamang ito dadaan, tila matatagalan pa aito dahil pagkatapos lamang ng eleksyon nila ito ipagpapatuloy.

Alanganin din kung iaasa at hihintayin ang special executive session mula sa punong ehekutibo dahil wala ito sa plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

At kung babawiin naman ng pangulo ang kaniyang mga naging pahayag, magmumukha lamang siya na hindi tuwid sa iisa nitong salita.

Giit ni Yusingco, kailangan na ito pagtuonan ng pansin at hindi na dapat maantala pa.

Gayunpaman, maaari rin na tumagal pa bago madinig ang impeachment complaint dahil maaaring i-dismiss din ito ng korte suprema.

At mas posible pang matuloy ang impeachment trial pagkatapos ng SONA ng pangulo.

Sa panahon ito, may bago nang mauupong senador at tatayo rin silang senator judges sa paglilitis.

Samantala, isang malaking ‘public clamor’ ang 73% mga Pilipino na sumasang-ayon na dumalo si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial nito.