Idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang impeachment complaint na isinampa laban kay VP Sara Duterte dahil hindi ito sumunod sa one-year rule.
Ayon kay Atty. Joey Tamayo – Lawyer, ang reklamong impeachment ay premature at hindi alinsunod sa mga umiiral na batas.
Bukod pa rito, binanggit din na ang reklamong ito ay maituturing na politically motivated, na maaaring magbunga ng pag-abuso sa proseso ng impeachment kung hindi titiyakin ang mahigpit na pagsunod sa legal na pamantayan.
Ang one-year rule ay isang probisyon sa 1987 Philippine Constitution, partikular sa Article XI, Section 3 (5), na nagsasabing:
Kapag ang isang opisyal ng gobyerno tulad ng pangulo, pangalawang pangulo, mga mahistrado, at iba pa ay isinailalim na sa impeachment proceedings, hindi na maaaring maghain muli ng panibagong reklamo laban sa parehong opisyal sa loob ng isang taon.
Dahil dito, kahit pa mabasura o hindi umusad ang isang reklamo, protektado ang opisyal mula sa sunod-sunod na impeachment complaints sa loob ng isang taon isang mekanismo upang maiwasan ang harassment gamit ang proseso ng impeachment.
Pagbabahagi ni Atty. Tamayo na hindi naman nangangahulugan na mapapawalang bisa ang Pangalawang Pangulo bagkus ay kailangan munang maghintay ng isang taon bago maghain ng panibagong reklamo.