Mga kabombo! Isang pinaniniwalaang himala ang naganap sa nangyaring wildfire sa California.

Ayon sa ulat, sa kabila kasi ng nangyaring malawakang apoy at libu-libo ang nawalan ng tahanan sa Los Angeles wildfires sa California, USA.

Isang pamilya naman ang naging usap-usapan matapos na nag-viral ang kanilang sinapit. Kung saan, kahit inabot ng apoy ang kanilang tahanan, nakaligtas umano ang imahe ng Virgin Mary, gayundin ang imahe ng St. Joseph, sa kanilang yard sa South Pasadena, California.

--Ads--

Anila, maaaring maliit na bagay lamang ito para sa iba, subalit naging simbolo ito ng pag-asa para sa maraming residenteng apektado.

Tinalakay ng U.S. news programs ang kuwento ng nag-survive na Virgin Mary statue sa residence ng mag-asawang Peter at Jackie Halpin.

Pagbabahagi ng mga ito, masakit man daw para sa kanila na makitang wala na ang kanilang tahanan, may hatid daw na paghihilom ang nag-survive na statue.

Dahil dito, pinuntahan ng mag-asawa, kasama ang anim nilang anak, ang kanilang tahanan. At nang magtipun-tipon sila sa dating kinatatayuan ng bahay, kumanta ang pamilya ng isang song of praise bilang simbolo ng pasasalamat sa ibinigay na pag-asa