BOMBO DAGUPAN – Apektado ang tobacco industry sa ilang lugar sa lalawigan ng Pangasinan bunga ng El Niño o matinding init ng panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Roger Madriaga Manager, National Tobacco Administration Pangasinan ay apektado ang mga nagtanim noong Enero 30 dahil Enero 15 ang cut-off ng pagtatanim kung saan pinakamarami ang apektado sa District 5 at District 6 ng lalawigan.

Kaugnay nito ay sumulat sa adminstrasyon ng nasabing opisina ang alkade ng bayan ng Alcala bagama’t 110 hectares mula sa 592 hectares na tinatayang nasa humigit kumulang 18 porsyento ang apektado ang mga panananim na tobacco.

--Ads--

Samantala, sa bayan naman ng San Fabian ay 50 ektarya o 6 na porsyento naman ang naapektuhan.

Aniya, mabuti naman daw at may air curing shed na pinoprovide ang kanilang opisina para hindi gaanong apektado ang kanilang pananim.

Subalit dahil nga sa matinding init ng panahon ay mas mataas ang production costs dahil konti lang ang lumalabas na tubig sa mga source of water nila sa pagpapatubig ng kanilang pananim.

Samantala dahil nalalapit na nga panahon nang tag-ulan ay nababahala din sila dahil ang sobrang ulan ay maaring magdulot ng pagkamatay ng mga pananim na tobacco lalo na kung nasa harvestable stage na ang mga ito.

Bukod dito ay may libreng scholarship program silang inaalok para sa mga anak ng mga tobacco farmers kung saan matatagpuan ang kanilang opisina sa Población Zone 1, Villasis, Pangasinan.