DAGUPAN CITY- Dinagsa ng mga turista ang mga tourist spots and destinations sa lungsod ng Alaminos upang ipagdiwang ang Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Miguel “Mike” Sison, Tourism Officer ng Alaminos City, naging generally peaceful at walang naitalang mga untoward incident mula sa mga tourist spots at destinations na dinayo nitong nakaraang Semana Santa.
Aniya, hindi mangyayari ang ganito kaayos at organized na actitivies kung hindi dahil sa tulong ng PCG, BGF, LGUs at ilan pang mga nakatulong upang mas maging mapayapa ang experience ng mga turista.
Sa kanilang tala sa nagdang apat na araw ay mayroong kabuuang 467 na guests at mahigit 2 milyong piso na income sa loob ng ilang araw.
Mas marami rin ang naitalang bisita ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, isang bagay na ikinatutuwa ng kanilang opisina.
Dagdag niya, mabigat din ang flow ng trapiko dahil sa dagsaang turista na papunta’t-pabalik sa kanilang mga pinanggalingan.
Mas pinag-igting ng kanilang opisina at ilang mga ahensiya ang knailang effort dahil sa layuning mas maging maayos at mapayapa ang Semana Santa sa kanilang nasasakupan.