Dagupan City – Inilatag ng Cooperative Development Authority ang ilan sa kanilang mga programa para sa mga miyembro na kanilang hinihikayat na makipagsanib sa iba pang kooperatiba.

Ayon kay Edilberto Unson – Assistant Regional Director / Supervising Cooperative Development Specialist, kung maaari ay pare-parehong klase sana ng kooperatiba ang mag-merge.

Kung saan, isa sa mga programa rito ay ang COOPKAPATID Program, kung saan ang kanilang mga benipisyaryo ay mga micro at small cooperative at ang mga partners naman ay ang medium and large cooperative na mayroong kakayahang pinansyal at sapat na kaalaman na pwedeng ibigay sa mga maliliit na kooperatiba.

--Ads--

Dagdag pa ang COOPARTNER, kung saan ay maaaring iterminate ang kanilang Memorandum of Agreement (MOA) kung ayaw na na nila sa programa.

Isa naman sa mga konsepto ng programang ito ay mentoring, coaching, auditing, at maging ang simpleng bookkeeping ay itinuturo rin ng malalaking kooperatiba, kasabay din ng pamimigay ng financial subsidy.

Samantala, binigyang diin naman ni UNSON ang kahalagahan ng Certificate of Compliance dahil patunay ito na ang tax exemption nila sa BIR ay gumagana at mahalaga ang pera ng kooperatiba para mapaunlad ito.