DAGUPAN – Nawalan ng kuryente ang ilang mga Barangay sa bayan ng Binmaley matapos na pabagsakin ng ipoipo ang ilang mga poste ng kuryente.
Ayon sa Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO, maliban sa ipoipo, nakaranas ng matinding pag-ulan at thunderstorm ang barangays ng Nagpalangan, Dulag, Amancoro, Basing, Balogo at iba pang mga kalapit lugar.
Batay sa kanilang Technical Team, kanila nang inaayos simula kagabi ang mga lugar kung saan napinsala ang mga power line.
--Ads--
Pinalitan na rin umano nila ang mga tumumbang mga poste at tinitiyak na mababalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.