Nakiisa ang ilang mga malalaking establisyemento at mga bahay dito sa lungsod ng Dagupan at lalawigan ng Pangasinan sa global campaign laban sa climate change sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa Earth Hour .
Nagpatay ng ilaw ang ilang malalaking mall at tanging ang emergency light at kandila ang ginamit sa loob ng isang oras mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ang naturang “Earth Hour 2022” ay may temang “Shape Our Future”.
Mahalaga ang Earth Hour para makita ng mga komunidad ang halaga ng pag-aalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtitipid sa kuryente.
Inorganisa ng World Wildlife Fund upang hikayatin ang mga indibidwal at organisasyon sa pagsasagawa ng mga aksyon at pangako para sa planeta sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagpatay sa mga hindi mahahalagang ilaw sa loob ng isang oras.




