DAGUPAN CITY- Inasahan na ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang pagdagsa ng publiko sa lalawigan ng Pangasinan partikular na sa mga baybayin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, ng naturang ahensya, inasahan na din ang pagdagsa ng mga beach goers sa iba’t ibang baybayin sa lalawigan.
Ngunit kanilang ikinalungkot ang 6 na naitalang insidente ng pagkalunod sa ilang bayan.
Ilan umano sa mga ito ay mga turista sa lalawigan ngunit ilan din sa mga ito ay tubong Pangasinan din.
Aniya, maaaring hindi kabisado ng mga turista ang baybayin kaya ilan sa mga bumibista ang nabibiktima ng pagkalunod.
Mayroon din naman umanong nabibiktima ng Jellyfish sting partikular na sa Binmaley.
Para naman sa nabibiktima nito, agad din nila itong binibgyan ng paunang lunas at dinadala sa malapit sa pagamutan.
Kaugnay sa mga ito, hindi nawawala ang kanilang paulit na pagpapaalala sa mga ito ang pag iingat at pagsunod sa mga alituntunin ng lugar na kanilang dadayuhin.
Samantala, wala pa man siguraduhin ng pagtaas o pagbaba ng alert status sa lalawigan, patuloy naman ang kanilang augmentation sa iba’t ibang LGU lalo na kung kinakailangan sa paparating pa na ibang holiday season partikular na sa susunod na biyernes.