Dagupan City – Sang-ayon ang ilang mga estudyante at tindera sa pagtalima ng bansa sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay sa tinderang si Nanay ‘Garcia’, mabuti na naaresto upang hindi na gayahin pa ng iba dahil sa kaniyang masamang ginawa.

Ayon naman sa estudyanteng si Alexis Neil Casingal, nagulat siya sa balita ngunit hindi na nabigla dahil isa na rin aniya ito sa daan para makamit ang hustisya ng mga nabiktima ng Extrajudicial killings.

--Ads--

Sinang-ayunan naman ito ng estudyanteng si Joshua Eric Limon, dahil aniya dapat lamang na pagbayaran ang mga kasalanan kung ito man ay mapatunayang ginawa niya. Ngunit hirit ni Limon, dapat aniya na dumaan sa due process ang ginawang pagkakaaresto sa kaniya.

Samanatala, ito rin ang naging sagot ng mga mag-aaral na sina Stephanie Marie Dacquel at Lara Llamido.