DAGUPAN CITY- Nagsuspinde ang ilang mga bayan sa lalawigan ng Pangasinan dahil pa rin sa inaasahang pagpalo ng mataas na temperatura.
Walang klase buong araw sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Aguilar, Bugallon, Manaoag, Mangaldan, Urbiztondo, Santo Tomas, at sa syudad ng Dagupan at Urdaneta.
Afternoon classes naman ang suspendido sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Binmaley, Lingayen, Rosales, at San Quintin.
Habang sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan lamang sa bayan ng Labrador, Malasiqui, San Jacinto, San Fabian, at Sual.
Afternoon classes naman ang suspendido sa Pre-school hanggang high school ng mga pampublikong paaralan sa bayan ng Bayambang, Calasiao, at Santa Barbara.
Afternoon classes sa Pre-school hanggang Senior Highschool sa pampubliko at pribadong paaralan naman ang suspendido sa bayan ng Burgos.
Samantala, lilipat lamang sa modular learning sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Anda, Bani, at Mapandan.
Alternative Delivery Modes of learning naman ang ipapatupad sa pre-school hanggang senior high school ng mga pampublikong paaralan sa bayan ng Natividad, nagsimula ito kahapon at magtatapod sa Marso 31.