Inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may mga lugar sa bansa ang naapektuhan ng ginawang realignment umano ng mababang kapulungan ng Kongreso sa 2019 proposed national budget.
Ayon kay Sotto, tinanggal at inilagay ng Kamara sa iba’t-ibang distrito ang pondo na gagamitin sa mga infrastructure projects na nakalaan dapat para sa mga lalawigan ng Pangasinan, Ilocos Norte, Samar, at Zamboanga Del Sur.
Binigyang diin nito na identified project ng Department of Public Works andHighways ang mga ito na parte ng Build, Build, Build program ng gobyerno at hindi ng mga Kongresista.
Aniya, ang paniguradong makikinabang dito ay ang mga Kongresista na naglipat ng pondo sa mga nais nilang mga distrito.
Matatandaan, pinirmahan ni Sotto noong nakaraang buwan ang enrolled bill pero limitado lamang daw sa kung ano ang napagkasunduan ng bicameral conference committee na kanila ring niratipikahan. with reports from Bombo Badz Agtalao