BOMBO DAGUPAN – May mga ilang eskwelahan sa bansa ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Carina na sa kasalukuyan ay nangangailangan ng mga clearing operations.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay France Castro-ACT Teachers Partylist Representative sa higit 47, 000 pampubliko at pribadong eskwelahan sa bansa ay ilang libo lamang ang apektado at ginagawan na ng paraan.

Bagamat ay nagpahayag ang ilan na suspendehin ang pagbubukas ng klase sa lunes ay maaari naman aniya na magcope-up ang iba upang kahit papano ay maituloy ang pagbubukas ng klase.

--Ads--

Habang ang iba naman na kailangan pa ng mga paglilinis at pagsasaayos ay maaari munang ipagpaliban ang pagbubukas ng klase kung hindi talaga kaya.

Kaugnay nito ay ibinahagi din niya ang mga pangangailangan ng mga eskwelahan sa imprastraktura, gayundin ang mga computer at internet na ayusin sa mga paaralan upang matiyak ang dekalidad na edukasyon.