Isang malaking tulong sa mga residente ng Brgy. Siblot sa bayan ng San Nicolas ang pag-install ng sampung solar-powered streetlights sa iba’t ibang bahagi ng kanilang barangay.

Bunga ang nasabing proyekto ng adhikain ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez na mapabuti ang kaligtasan ng mga motorista at residente sa gabi sa pamamagitan ng pagpapailaw sa mga kalsada.

Personal na binisita ng alkalde ang mga bagong itinayong poste ng solar streetlights.

--Ads--

Labis naman ang kasiyahan ng mga residente, sa pangunguna ni PB Noel Ladia, sa proyektong ito na nagdulot na ng liwanag at seguridad sa kanilang lugar.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng mga sumusunod na materyales para sa proyekto: 10 piraso ng G.I. Pipe, pitong bags ng Portland cement, isang truckload ng screened sand, at dalawang kgs. ng G.I. wire #16.

Ipinapakita nito ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.

Ang paggamit ng solar energy ay nagpapakita rin ng pagtutok sa pagiging sustainable at eco-friendly ng proyekto.