BOMBO DAGUPAN – Natagpuan na ng mga diver ang ikaanim na bangkay sa pagkasira ng isang luxury yacht na lumubog sa Sicily, na pinaniniwalaan na ang 18-anyos na ang nawawalang si Hannah Lynch.

Si Hannah ang huling taong hindi nakilala matapos ang nasabing paglubog ng yate sa panahon ng isang bagyo sa labas ng Italian fishing village ng Porticello, silangan ng Palermo.

Limang bangkay, kabilang ang ama ni Hannah, ang tech entrepreneur na si Mike Lynch, ay natagpuan na ng mga diver sa wreck, na nakahandusay sa seabed sa lalim na 50 metro (164ft).

--Ads--

Habang nauna nang natagpuan ang bangkay ng chef ng barko malapit sa yate.

Sa kabuuan ay may 22 katao ang sakay ng yate, kabilang ang isang taong gulang na bata at ang ina ni Hannah na si Angela Bacares.