Dagupan City – Nagpapaabot ng pasasalamat ang Alkalde at Bise Alkalde sa bayan ng Lingayen sa mga Doktor, Manggagamot, Nars, Praktisyoner, Parmacists, Optometrista, at mga Community head ng Lingayen para sa kanilang ika-22 OHANA Medical Missions 2025 sa Lingayen Civic Center at Rural Health Unit I.
Kung saan nagpahayag ng pagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng bayan para sa ibinhaging oras, serbisyo, pagsisikap, at pagmamahal sa mga mamamayan ng Lingayen at mga kalapit na munisipalidad. Ayon sa datos mula sa Municipal Health Office, may kabuuang bilang na 1,083 na rehistradong kliyente/benefisyaryo ang nakiisa sa aktibidad.
Ayon sa alaklde sa bahagi ng kanyang mensahe na tunay ngang isang mapagpasalamat na sandali para sa mga residente na maging isa sa mga piniling lugar para sa paglilingkod sa tao sa pamamagitan ng medical mission. Ang pagtitipon na ito ay ginawa rin posible sa aktibong pakikilahok at pagtutulungan sa serbisyo publiko ng ating mga doktor, nars, at empleyado ng Rural Health Unit I, II, at III.