Sa pagdagsa ng mga selebrasyon ngayong Kapaskuhan at panahon ng bakasyon, tumataas din ang kaso ng mga panghahalay at iba pang uri ng sex offenses sa bansa.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo, Co-anchor Duralex Sedlex maraming insidente ang nagaganap dahil sa labis na pag-inom, maling pananaw at iba ang mga bagay.

Binibigyang-diin ni Atty. Tamayo na ang bawat tao, lalaki man o babae, ay may karapatan at proteksiyon laban sa panghahalay.

--Ads--

Ayon sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law, ang sinumang babae o lalaki na hinalay na may edad 15 pababa ay maaaring kasuhan ng rape kahit pumayag ang biktima.

Ang kaparusahang nakasaad dito ay reclusion perpetua o hanggang 40 taon pagkakakulong.

Sa kaso naman ng mga kabataan na may edad 16-17, kung may pandaraya tulad ng pangako ng kasal o panlilinlang para makipagtalik, puwede pa rin silang kasuhan sa tinatawag na qualified seduction, na may hatol na 12 hanggang 24 taon pagkakakulong.

Dagdag pa ni Atty. Tamayo, hindi lamang ang penetrasyon ang maaaring pagbatayan ng kaso. Kasama rito ang child abuse, panghahalay, sexual exploitation, at acts of lasciviousness, kung saan kahit pisikal na paghipo o sekswal na pananabotahe ay maaaring maging sanhi ng kaso.

Ang sexual harassment naman ay puwedeng isampa kung ang may ari ng trabaho ay hihilingin ang pakikipagtalik kapalit ng promosyon, dagdag sweldo, o iba pang benepisyo.

Para sa mga menor de edad na sangkot sa pakikipagtalik sa pagitan ng magkasintahan na may edad 14-16, walang kaso kung ang agwat ng edad ay hindi lalampas sa tatlong taon at consensual ang relasyon.

Maaari namang direktang magreklamo ang mga biktima sa DSWD o Women’s Desk.

Pinapayuhan din ni Atty. Tamayo ang kabataan na mag-ingat sa labas, laging may kasamang kaibigan, iwasan ang labis na pag-inom, at magdamit nang maayos upang maiwasan ang panganib.