DAGUPAN CITY- Maraming pamamaraan ang isinasagawa ng mga Muslim sa Saudi Arabia upang ipagdiwang ng Eid’l Fitr.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Teddy Nuevo Jr., Bombo International News Correspondent sa Saudi Arabia, isang banal na pagdiriwang ang Eid’l Fitr para sa mga Muslim.
Aniya, maraming mga pamamaraang ang kanilang isinasagawa upang ito ay maipagdiriwang ng maayos at mapayapa.
Tinatawag din ang pagdiriwang na ito bilang pagtatapos ng Ramadan o fasting na kanilang isinasagawa.
Maraming mga pamamaraan at mga o events ang kanilang isnasagawa sa nasabing bansa tulad ng fireworks display at sales sa mga malls a pamilihan.
Nagbibigay din ng mga pagbati at regalo ang mga Pilipino sa mga Muslim upang makibahagi at respeto sa kanilang paniniwala.
Dagdag niya, mayroon ding isinasagawang artikular na tradisyon at partikalar na pagkaing inihahanda para sa espesyal na okasyon.