Patuloy na binabantayan ng US National Hurricane Center ang hurricane “Melissa”.
Ito ay matapos na mabilis na naging Category 4 na mayroong dalang hangin ng hanggang 140 miles per hour.
Inaasahan din na magiging Category 5 ito sa mga susunod na oras.
--Ads--
Nakita ang sentro ng nasabing bagyo sa may 110 miles ng south Kingston sa Jamaica at may bilis na paggalaw ng hanggang 3 mph.
Hinikayat naman ni Jamaican Prime Minister Andrew Holness ang mga mamamayan nito na paghandaan ang nasabig bagyo at maging sa Haiti ay magdadala rin ito ng malalakas na pag-ulan.
Maaring maglandfall ang nasabing bagyo sa Jamaica sa mga susunod na araw ganun din maapektuhan ang bahagi ng Cuba at southern Dominican Republic.










