Aabot sa sampung libong isda sa isang daang fish cages ang nangamatay dahil sa nararanasang gataw sa ilang palaisdaan dito sa lungsod ng Dagupan.

Bunsod ito ng biglaang pag-ulan noong nakaraang linggo matapos maramdaman ang pinakamainit na temperatura sa bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, taun-taong nararanasan ang gataw ngunit ngayong taon lamang naitala ang maraming bilang ng namatay na isda.

--Ads--

Perwisyo at pagkalugi naman sa mga mangingisda at fishpond owner ang nangyaring gataw ng isda dito sa syudad. Karamihan kasi sa mga naapektuhan ay ang mga ready for harvest na isda.