Mga ka-Bombo, kung mapag-uusapan na rin natin ang teknolohiya, ay abay sikat nga naman ang bansang Japan.

Maliban nga kasi sa mga hightech na kagamitan, transportasyon, imprastruktura, at serbisyo, hindi rin papatalo ang bansa pagdating sa larangan ng robotics!

Viral kasi ngayon ang ginawang diskarte ng pamahalaan ng bansa upang i-maintain ang kaayusan sa loob ng mga tren.

--Ads--

Dahil sa halip na inspector at tao ang italaga nila, isang humanoid robot ang pinili nilang maging katuwang para sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga train.

Ang nasabing humanoid robot ay may mga mata na likha sa camera at ito ay mayroong kakayahan na magbuhat ng mga bagay ng may bigat na hanggang 40 kilo.

Bukod pa rito ay kaya rin nito na maghawak ng paint brush na nakatutulong naman sa pagpintura. Nagsisilbi rin itong malaking tulong upang makapagputol ng mga sanga ng puno na nagiging sagabal sa dinadaanan ng tren.

Ngunit higit sa lahat, napupunan ng humanoid robot ang kakulangan ng mga empleyado sa bansa at gayon na rin ang pagbawas sa mga aksidenteng maaaring maranasan ng ordinaryong empleyado sa trabaho.