DAGUPAN CITY – Nasa 4.5 milyon ang tinatayang bilang ng mga may polycystic ovary syndrome o mas kilala sa tawag na pcos.

Ayon kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate ito ay isang hormonal disorder kung saan nagkakaroon ng imbalance sa hormones ng isang babae.

Ang imbalance na ito ay isa sa mga primary concern kung bakit nahihirapang mabuntis o hindi mabuntis ang babaeng nais magkaroon ng anak.

--Ads--

Dahil ito sa mas marami ang male hormones na lumalabas sa isang babae bagkus na estrogen kaya’t nagkakaroon ng menstrual irreguralities, minsan hindi nagkakaroon ng regla kung saan minsan naman ay madalas na datnan.

Bukod dito minsan ay nagkakaroon din ng bigote o ang build ng katawan kung minsan ay nagiging parehas sa isang lalaki.

Ito ay maaaring mamana, o di naman kaya dahil din sa hindi magandang lifestyle gaya ng unusual diet, pagkain na masydong matamis o di naman ay masyadong maalat.

Bagamat ito ay may malaking epekto sa normal na lifestyle ng isang dalaga o maybahay na umaasang magkaroo ng anak ay hindi naman ito gaanong delikado.

Kaya’t paalala nito sa publiko na magkaroon ng healthy lifestyle at iwasan ang mga bagay na maaaring maging sanhi nito.