‘Hindi pipitsuging gun for hire’.
Ganito inilarawan ni PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng PNP Pangasinan, ang mga nasa likod ng pananambang kay dating Pangasinan Cong. Amado Espino Jr., sa lungsod ng San Carlos noong Setyembre 11.
Aniya, kung titignan ang mga ginamit ng mga ito na high powered firearms at stratehiya ng mga ito ay maituturing na ‘well organized’ ang mga ito.
Napag-alaman pa mula kay Maranan, ilan sa mga suspek ay hinihinalang sumakay nalamang sa public transportation upang hindi mahalata sa pagtakas.
Kinumpirma naman ng provincial director na ilang minutro bago maganap ang pananambang ay mayroong nakita ang mga residente malapit sa lugar na may mga kalalakihang armado ng matatas na kalibre ng baril.(MJKPO with reports from Bombo Mariane Esmeralda)