Isang hindi gaanong kilalang presidential candidate sa Mozambique ang nagwagi sa pagkapangulo at papalit kay Filipe Nyusi na nagsilbi ng 2 termino.
Nakuha ni Daniel Chapo ng Frelimo, nangungunang partido sa nasabing bansa, ang 71% ng mga boto. Habang ang malapit nitong katunggali na si Venancio Mondlane ay nakuha lamang ang 20%.
Gayunpaman, sinabi ng electoral commission na tanging 43% ng higit 17-million rehistradong botante ang bumoto sa halalan.
Binati naman ng presidente ng Zimbabwe si Chapo dahil sa pagkapanalo nito.
Samantala, patuloy pa rin tumitindi ang kaguluhan sa Maputo, Mozambique dahil sa mga alegasyong pandodoktor ng election results at pagpaslang sa mga opposition supporters.
Nagsimula ito matapos magpatawag ni Mondlane ng national strike noong nakaraang huwebes bilang pagprotesta sa mga alegasyon.