DAGUPAN CITY- Hindi bababa sa P20,000 halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa 2 kalalakihan sa bayan ng Villasis matapos ang ikinasang buy-bust operation

Arestado ang dalawang 35 anyos na mga lalaki sa bayan ng Villasis matapos magsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga kapulisan ng Villasis PS.

Ayon kay PMAJ. Edgar Allan Serquiña, Chief of Police ng Villasis PNP, kinilala ang dalawang indibidwal na sina Mariano Rondero Jr. ar Edarlito Montilla, parehong fish pen caretaker at residente ng Brgy. Pugaro Suit sa lungsod ng Dagupan.

--Ads--

Aniya, bistado kahapon ng madaling araw ang dalawang suspek sa pagbebenta ng 2 piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.7 gramo at nagkakahalagang P4,760.

Maliban diyan, nakuhanan pa si Rondero Jr. ng 7 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 1.8 gramo at nagkakahalagang P12,240 matapos itong kapkapan. Kabilang pa sa mga nakuha ay ang isang P100-bill, 9 na piraso ng P100-bill at 2 piraso ng P1,000-bill bilang boodle money.

Nakuhanan din si Montanilla ng 2 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.5 gramo at nagkakahalagang P3,400. Kabilang na din ang 5 piraso ng aluminum foil, 1 cellphone. motorsiklo, at iba pang non-drug evident.

Samantala, nakapiit naman sa himpilan ng Villasis PS ang dalawang suspek habang hinihintay ang kanilang trial.